Sunday, January 4, 2015

#PaFall #Assuming

Angela <3

        Naranasan mo na bang magka-crush? Ma fall in love? Tapos nalaman mo na lang na ang lahat ng ito ay isang malaking akala, Diba ang sakit dre? "Kung hindi lang kasi pa fall yung taong yun, edi sana hindi ako broken hearted ngayon."-Assuming
Huwag manisi sa taong pa fall, dahil may kasalanan ka din kaya ka nasaktan.Assuming ka kasi eh! Yan tuloy gustong makapag move o. Tanong ko lang, kayo ba? Kung sagot mo ay hindi, aba matindi! Gustong mag move on kahit walang relasyon. Pero huwag kang mag-alala uso na yan ngayon. Trending nga yan sa social media eh. #BakitAngLalakiPaFall #BakitAngBabaeAssuming #BrokenHearted #MovingOnKahitWalangRelasyon 
Srsly? tsk! tsk! tsk!  Hindi naman lahat ng lalaki #PaFall at hindi lahat ng babae #Assuing. Dahil mayroon din namang babaeng pa fall at lalaking assuming. Kaya gawin na lang nating #TaongPaFall at #TaongAssuming. Tara! Kilananin natin sila.

#TaongPaFall
          Sila yung mga tao na inaasar ka tapos pag napikon ka lalambingin ka na nila. Pinag lihi sila sa kendi kaya sobrang sweet sila, madalas nilalanggam na. Palagi silang nakadikit sa'yo at nangungulit. Kapag may problema ka, lagi nilang sinasabi na " Huwag kang mag-alala, nandito lang ako." "Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan." OMG!EMEGED! Nakakakilig sila.
#TaongAssuming
          Sila yung mga taong kunwari "DEDMA" lang si #TaongPaFall sa umpisa. Pero pag mag-isa na lang ... ayon talon talon na, dahil kinikilig ng bonggang-bongga. Hanggang sa paglipas ng araw ay nakikisabay na sa trip ng taong pa fall. Sila din yung taong todo emote kapag na friend zoned o na seen zoned ng taong akala nila may gusto sa kanila. At higit sa lahat, sila yung nagsasabi ng "Akala ko di niya ako iiwan." "Akala ko may gusto siya sa akin." "Akala ko mahal niya ako." In short sila yung laging nasasaktan.

          Sa panahon ngayon, hindi ka dapat madaling maniwala sa iyong nakikita o nadidinig lang. Dahil minsan ang pinapakita o sinasabi sa iyo ay parang pelikula, "SCRIPTED". Sa pag-ibig ngayon, hindi na uso yung "follow your heart", kasi kailangan gamitin mo din yung utak mo. Kung puso lang ang paiiralin mo, ano pa ang silbi ng utak ?

          Sa mga #PaFall, isa lang ang gusto kong sabihin sa inyo. Know your limitations, kasi may mga taong nahuhulog ang loob sa inyo.Kung hindi niyo naman pala kayang saluhin itigil niyo na ang pagpapa fall. At sa mga taong #Assuming, huwag kayong mag assume na may gusto o mahal ka ng taong dumadamoves sa inyo o nagsasabi ng mga flowering words. Dapat hintayin mo yung panahon na sasabihin niya sa iyo na gusto ka niya o mahal ka niya at the same time pinaparamdam niya din sa iyo ito through actions. Sa huli kasi ang mga #TaongAssuming ang nasasaktan, dahil hinahayaan niyo ang sarili niyo na mahulog sa mga ipinapakita sa inyo, hindi mismo ang taong iyon. Don't dare to fall in love, if you cant see and feel the love of the person.Coz if you do, you might end up brokenhearted.